-- Advertisements --

Nasa proseso na ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa pagtukoy sa background ng mga kandidato na tatakbo sa local at national elections.


Ito ay matapos na maglabas na ng mga pangalan ng mga official candidates ang commission on elections para sa pagsisimula ng ballot printing.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, mahalagang mamonitor kung mayroon mang tensyon ang mga magkakalaban sa eleksyon para makapaglatag ng mas maayos na seguridad.

Sinabi pa ni PNP Chief, proctive approach ang gagawin nilang ito dahil sa posibleng election related violence.

Kinakailangan aniyang mapigilan ang anumang mga planong karahasan ngayong panahon ng halalan.

Ipinaliwanag naman ni Carlos na iba iba ang political set up sa bawat lokalidad kahit pa mayroon silang election watch-list areas.

Binigyang-diin ni PNP Chief na katuwang nila ang Armed forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies para makapangalap ng impormasyon patungkol sa mga aktibidad ng bawat kandidato.