NAGA CITY- Dead on arrival ang isang construction worker sa Guinayangan, Quezon matapos maaksidente sa tricycle.
Kinilala ang biktima na si Alias Edward, 53-anyos at residente ng Brgy. Santa Maria Calauag, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office nabatid na habang nagmamaneho gamit ang tricycle ni Alias Modesto, 56-anyos, residente ng nasabing lugar, kasama ang backrider nito na kanyang kapatid na si Alias Edward, sa Farm to Market Road sa Brgy. Himbubulo Este, sa nasabing bayan mula sa Brgy. Dancalan Central patungo sa town proper ng munisipalidad, nang makarating ito sa pababang parte ng nasabing kalsada.
Dito rin, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Alias Modesto na nagresulta naman upang bumangga sa isang concrete barrier at mahulog si Alias Edward at tumama pa ang ulo sa semento.
Dahil dito, nagtamo si Alias Edward ng malalang injuries sa ulo at idineklarang dead on arrival ng doktor sa ospital.
Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang nasabing tricycle para sa nararapat na pag-disposisyon.