-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Welcome development para sa opisyal ng Bacolod ang pagbibigay prayoridad ng national government sa lungsod para sa distribusyon ng COVID-19 vaccine kapag naging available na ito sa bansa.

Magugunitang Lunes ng gabi, inanunsyo ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na sa ilaim ng geographical strategy ng vaccine distribution, kabilang sa magiging prayoridad na mga lugar ang National Capital Region, Cebu City, Davao City at Bacolod City dahil sa mataas na bilang ng COVID-19 cases sa nasabing mga area.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bacolod City Councilor Em Ang, sinabi nito na nakapag-usap na sila ni Mayor Evelio “Bing” Leonardia kung saan kanilang napagkasunduan na dapat paghandaan rin ng city government ang pagbili ng bakuna.

Ayon kay Ang, nagbigay na ng instruction ang alkalde sa budget officer ng lungsod na maghanap ng pondo na pwedeng gamitin sa pagprocure rin ng COVID vaccine.

Nilinaw rin nito na maliban sa bakuna na ilalaan ng national government sa lungsod, magbubukod rin ng pondo ang city government para rito.