BACOLOD CITY – Ikinatuwa ng mga opisyal ng Bacolod City ang pagkapili sa lungsod bilang Top Philippine Model City sa ikatatlong Philippine Model Cities and Municipalities ng The Manila Times.
Isinagawa ang awarding ceremony sa New World Manila Bay Hotel sa Manila.
Maliban sa Top Philippine Model City, nanalo rin ang lungsod bilang Most Business Friendly City kasama ang San Jose del Monte, Bulacan.
Nakuha rin ng lungsod ang Retirement Haven Award.
Noong taong 2018, nakuha rin ng Bacolod ang first runner-up sa nabanggit na kompetisyon at noong 2017, nasungkit naman nito ang pinakaunang titulo bilang Top Model City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay City Councilor Cindy Rojas, chairman ng committee on tourism sa sangguniang panglungsod, sinabi nito na ang pagkilala ay inspirasyon sa lahat lalo na sa city government officials na pag-ibayuhin ang trabaho upang mapanatili ang magandang rekord.