-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Laking pasasalamat ni Bacolod City Mayor Evelio “Bing” Leonardia sa Court of Appeals (CA) matapos na nabigyan ito ng temporary restraining order (TRO) sa dismissal order ng Office of the Ombudsman laban sa kaniya.

Sa press statement na inilabas ng alkalde, itinuturing nito na magandang balita ang pag-grant ng TRO subalit alam umano nito na nagsisimula pa lamang ang kanilang laban sa paghahanap ng validation upang patuloy na makapaglingkod sa Bacolod.

Muling iginiit ni Leonardia na walang perang ninakaw sa lungsod, walang overprice, walang conspiracy, walang masamang intensyon at na-deliver ang lahat ng furnitures and fixtures sa Bacolod government center, ang usaping pinag-ugatan ng dismissal order ng Ombudsman.

Nagpapasalamat din si Leonardia sa mga Bacolodnon na patuloy na nagtitiwala at nagsusuporta sa mga opisyal ng lungsod.