-- Advertisements --
250px Ph locator negros occidental bacolod

(Update) BACOLOD CITY – Hindi isinasantabi ng Bacolod City Police Office na mga miyembro ng martilyo gang mula sa Ozamiz City ang nangholdap sa dalawang jewelry stores sa Gaisano Grand Mall sa Bacolod City kagabi.

Ayon sa imbestigasyon ng Police Station 8, umaabot sa P4.5 million ang kabuuang halaga ng alahas na natangay ng mga suspek.

Ito ay kinabibilangan nga P3.8 million sa F&C Jewelry Store at P700,000 mula sa Haoling Jewelry Store na magkatabi lamang sa ground floor ng mall.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay BCPO director Col. Henry Biñas, tinitingnan sa ngayon na maaaring may kontak sa lungsod ang mga suspek na siyang nagbigay sa kanila ng impormasyon na atakehin ang dalawang jewelry stores.

Batay sa salaysay ng mga nakasaksi, hindi bababa sa siyam ang mga suspek na kaagad tumakas sakay ng motorsiklo.

Ayon kay Biñas, maaari ring kagagawan ng mga drug personalities ang krimen upang ma-divert ang atensyon ng mga pulis at hindi masyadong matutukan ang anti-drug campaign.

Hindi naman itinanggi ng BCPO director na sinamantala ng mga suspek na ang pagtutok ng mga pulis sa Ceres South Terminal buong araw kahapon.

Sinabi pa ng city director, nag-pull out ang mga pulis na nagbabantay sa paligid ng mall dahil nag-augment sa Ceres terminal.