-- Advertisements --

Iniulat ni Health Undersecretary Eric Tayag na may pagkakapareho sa COVID-19 ang bacterial infection na itinuturong dahilan ng pagsipa ng respiratory illness sa China partikular na sa mga bata.

Paliwanag pa ng DOH official na ang tinatawag na mycoplasma pneumoniae ay nakakahawa kung saan bago pa man makitaan ng sintomas gaya ng ubo, ang isang dinapuang indibidwal ay maaari ng makapanghawa ng sakit sa ibang indibdiwal sa pamamagitan ng close contact at ito ay iniuri bilang walking pneumonia.

Ayon pa sa opisyal may naitala na ang Pilipinas na ganitong bacterial infection subalit ipinunto na hindi ito isang regular pathogen na maaaring suriin sa mga laboratoryo. Kapag may suspect case nito ay binibigyan ang infected individual ng angkop na antibiotics.

Mayroon din aniyang swab test na pareho sa COVID-19 para matukoy kung ang isang indibidwal ay positibo sa mycoplasma pneumoniae. subalit iilan lamang ang mga laboratoryo sa ating bansa ang nagaalok nito.

Kung ang isang indibidwal ay dinapuan na naturang sakit, ang kailangang gawin ay mag-isolate dahil maaaring kumalat ang bacteria sa close settings gaya sa bahay at paaralan. Maaari ding mahawaan ulit at magtagal ng ilang linggo kahit pagkatapos gumaling.

Kaugnay nito, ipinayo ng DOH ang rekomendasyon ng World health Organization na dapat ugaliin ang general preventive measures laban sa respiratory illnesses

Sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng halos 200,000 flu-like cases ngayong 2023, tumaas ito ng 50% kumpara noong nakalipas na taon.
Last edited by forever on Thu Nov 30, 2023 1:22 pm, edited 1 time in total.