-- Advertisements --
DENVER NIKOLA JOKIC
Denver Nuggets star center Nikola Jokic (photo from @nuggets)

Kinumpirma na rin ng Denver Nuggets star center at 7-footer Nikola Jokic na magiging bahagi siya ng kanilang national team na Serbia sa 2019 FIBA World Cup.

Batay sa schedule ng Team Pilipinas Gilas, makakaharap nila ang powerhouse team na Serbia sa September 2.

Kung maaalala ang 24-anyos na si Jokic ay kabilang sa malaki ang naitulong sa Nuggets para umabot sa unang pagkakataon sa NBA Western Conference semifinals sa loob ng isang dekada.

Liban sa breakout performance na ipinakita ni Jokic sa Denver, pinalad din itong mapili bilang isa sa 2018-19 All-NBA First Team.

Siya ang unang player ng prangkisa na nakasama sa loob ng 41 taon.

Liban kay Jokic, ang iba pang nasa first team ay sina Giannis Antetokounmpo, James Harden, Steph Curry at Paul George.

Binansagan tuloy ngayon si Nikola na kabahagi na sa tanging “elite group of franchise legends.”

“I am very pleased with everything I did in the NBA this season. I had a great year in which I performed at the All-Star Game and was selected [to the All-NBA first team]. For me, the cherry on top of this whole season would be a medal with the national team,” ani Jokić sa ulat ng Serbian State News Agency. “I am fully prepared to do my best to achieve this goal.”

Si Jokic ay nakasungkit na rin ng dalawang silver medals bilang miyembro ng Serbia national team.

Bahagi rin siya ng team na tinalo ng U.S. noong 2016 Olympic Games.

Ang 2019 FIBA World Cup ay magsisimula sa August 31 sa China.

Samantala ang iba pang games ng mga Pinoy ay sa August 31 kontra sa Italy at sa September 4 ay laban sa Team Angola.

Inaasahang mahaharap sa matinding pagsubok ang mga 7-footer din ng Gilas na sina Andray Blatche at June Mar Fajardo lalo na at nahanay ang koponan ng bansa sa mga team na merong mga active NBA players.

Gilas Pilipinas