Kinumpirma ng Manila International Airport Authority na dahil sa nararanasang sama ng panahon, dahilan ng pagkansela ng ilang flights ngayong araw.
Ayon sa MIAA as of 9:30 a.m. ngayong umaga kinansela ng isang Airline company ang kanilang biyahe mula Manila patungong Tuguerarao at vice versa.
Iniulat ng PAGASA na ngayong araw, Linggo inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility nasabing tropical depression.
Sa may bahagi ng eastern Mindanao mag landfall ang nasabing Bagyo.
Dalawang rehiyon ang kasakuluyang nakakaranas na ng pag-ulan at thunderstorm, ito ay ang area ng Caraga at Davao regions.
Ayon sa weather state Bureau PAGASA na as of 3 a.m.namataan ang tropical depression 1,175 kilometers east ng Mindanao, na may dalang maximum sustained winds ng 45 kilometers per hour at 60 kph gustiness.
Habang ang amihan o northeast monsoon, ay magdudulot ng pag-ulan sa bahagi ng Batanes, Cagayan at Isabela provinces.
Ang Metro Manila at ang iba pang lugar sa bansa ay makakaranas ng partly cloudy to cloudy skies with isolated rains.