-- Advertisements --

Zamboanga City- Natagpuang patay sa isang motel ang isang bading sa Zamboanga City.

Ang biktima ay nagtamo ng maraming saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ang biktima ay nakilalang si Benjamin Cerna y Apolinario, 52 taong gulang, residente ng Barangay Tumaga. Sa ngayon ay nananatiling at large pa rin ang salarin na may gawa nang karumaldumal na krimen.

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng mga otoridad upang mahuli ang naturang salarin.