-- Advertisements --

Pinalaya na ng House Committee on Legislative Franchises ang hosts ng Sonshine Media Network International (SMNI) na sina Eric Celiz at Lorraine Badoy mula sa kanilang pagkaka-detine sa Batasang Pambansa.

Pinirmahan ni House Committee on Legislative Franchises Chairperson Gus Tambunting ng Paranaque City ang release order ng dalawa dahil sa humanitarian grounds.

Sinabi ni Celz na ang kalayaan ay ipinaglalaban at hindi ito ibinibigay.

Magugunitang na-contempt ang dalawang dahil sa hindi sumasagot at bastos umanong sumagot sa mga mambabatas sa pagdinig sa mababang kapulungan ng kongreso ukol sa source nila sa alegasyon na P1.8 bilyon na travel fund umano ni Speaker Martin Romualdez.