-- Advertisements --
image 740

Kinatigan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagtaas ng badyet ng Department of Energy (DOE) at mga attached agencies nito, na aniya gusto niyang makakita ng 100-percent electrification sa bansa habang siya ay nabubuhay.

Sa pagdinig ng Finance Subcommittee E sa 2024 DOE budget ipinunto ni Legarda na mula pa noong administrasyong Estrada, ang mga kalihim ng Energy department ay naghahangad na makamit ang 100-porsiyento na electrification sa Pilipinas ngunit hindi nagtagumpay.

Tinanong ng Senadora si Sen. Win Gatchalian, chairperson ng Finance Subcommittee E, kung mabibigyan ba niya ng P6.9 bilyon ang DOE para matiyak ang buong electrification ng bansa sa 2027.

Tugon naman ni Gatchalian na may iba pang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbigay ng kahilingan para sa karagdagang badyet, gaya ng isyu ng energy utilization ng ahensya, at iba pa.

Samantala, kaygnay niyan, bumaba naman ang porsyento ng household electrification rate o ang bilang ng mga bahay na may access sa kuryente sa buong bansa.

inihayag ni Energy Secretary Raphael Lotilla na mula sa 98% household electrification rate noong 2015, bumaba sa 96% ang dami ng mga kabahayan na may kuryente sa bansa batay na rin sa 2020 census.

Aminado si Lotilla na resulta ng pagdami ng household ang pagbaba ng household electrification rate sa bansa.

Tiniyak naman ni DBM Acting Director Budget and Management Bureau Gemma Ilagan na tutugunan nila ang usapin na ito at ibibigay niya agad ang impormasyon sa tanggapan na may hawak sa NEA.