-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nadakip ng mga pulis sa Bukidnon ang isa sa mga most wanted na Magahat-Bagani leaders na iniuugnay sa pagpatay sa mga Lumad sa Surigao del Sur.

Nakilala ang nahuling si Margarito Layno, isa sa mga lider ng Magahat-Bagani Force militia, na siyang itinurong pumatay sa tatlong mga school at community leaders ng Surigao del Sur noong 2015.

Ayon sa Police Regional Office-13, si Layno, kasama sina Magahat Bagani leaders Bobby at Loloy Tejero, ay siyang umatake sa Barangay Diatagon sa bayan ng Lianga at pumatay kay Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development (ALCADEV) school director Emerito Samarca, at mga tribal leaders na sina Dionel Campos at Datu Jovello Sinzo.

Ang Magahat-Bagani ay isang anti-communist militia na ang mg miyembro ay mga Manobo tribesmen.

Napag-alamang ang-alok ang pamahalaan ng P3.6-million na reward para sa tatlong mga wanted leaders dahil sa kasong multiple murder, arson, at grave coercion na kanilang kinakaharap.