-- Advertisements --
BANAC
PNP Spokesperson

Mahigipit na binabantayan ngayon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng pag-atake ng mga ISIS symphatizers.

Ito’y kasunod sa pagkamatay ni ISIS leader na si Abu Bakr al-Bagdhadi.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, wala pang matibay na ebidensya na target ng ISIS ang ilang lugar sa Mindanao.

Giit ng opisyal patuloy lang ang kanilang ginagawang security operations at validation.

Sinabi pa ng opisyal sa ngayon payapa ang sitwasyon sa Mindanao pero sa kabila nito ay hindi naman sila nagpapakampante.

Sa ngayon, nakataas sa full alert status ang PNP para sa araw ng mga patay.