BUTUAN CITY – Nadagdagan na naman ang kaso ng Covid-19 sa Caraga. Inanunsiyo sa DOH Caraga na natanggap nila ang 155 na RT-PCR results galing sa Southern Philippines Medical Center (SPMC), Northern Mindanao TB Reference Center (NMTBR) at Davao One World Diagnostic Center sub-national laboratories kung saan 143 ang negatibo at 12 ang positibo sa COVID-19 virus.
Ang negative results ay nanggaling sa: 7 sa Suspect cases galing sa Butuan Medical Center, Butuan Doctors Hospital, MJ Santos Hospital at Surigao del Sur Quarantine Facility; 12 naman ang Probable cases galing sa Caraga Regional Hospital, Agusan del Norte Provincial Hospital at Agusan del Sur Quarantine Facility, at 124 ang High risk individuals na nagpositive sa Rapid Antibody-based Tests.
Sa 12 na positive cases, 58% o 7 ang Locally Stranded Individuals, isa ang Returning Overseas Filipino, dalawa ang makonsiderang local transmission, isa ang may close contact sa dating COVID-19 positive case, at isa ang residente sa Bayugan City na nagtatrabaho sa Butuan.
Sa mga nagpositibo, 9 ang babae habang 3 ang lalaki kung saan karamihan ay nasa 20-anyos hanggang 40-anyos. Ang bagong kaso ay nanggaling sa Butuan City na may 3; Bayugan City (1); Bislig City (1); Nasipit, Agusan del Norte (1); mga bayan sa Agusan del Sur sa pamamagitan sa Esperanza na may (2); Prosperidad (2); at Tago, Surigao del Sur (2).
Ang 11 sa mga ito ay parehong asymptomatic na naka-isolate na sa iba’t ibang isolation facilities sa buong rehiyon para sa mahigpit na monitoring habang ang isang may mild signs and symptoms na-admit na sa hospital facility.
Sa kasalukuyan, ang rehiyon sa Caraga ay may kabuoang kaso sa COVID-19 na 336 kung saan 193 nito o 57% ang nakarekober na at 142 ang nanatiling aktibong kaso.