-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Lumakas pa ang pwersa ng militar sa Central Mindanao sa bagong natanggap nitong 155 Self-Propelled (ATMOS 2000) Howitzers cannon.

Bagong lang ay isinalang sa live fire exercises ang mga kanyon sa Barangay Talisawa, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur.

Sianabi ni Lieutenant Colonel Chamberlain Esmino Battalion Commander ng 10th Field Artillery Battalion ang aktibidad ay bahagi ng pagtatapos ng 10FAB Battalion Organizational Training.

Walo sa labindalawang mga 155mm (ATMOS 2000) Self-Propelled Howitzers ang dinala sa Mindanao.

Pangunahing layunin ng hukbong sandatahan ng Pilipinas na palakasin pa at sugpuin ang terorismo at insurhensiya sa Central Mindanao.

Siniguro naman ng Kampilan Troopers na inabisuhan muna ang lugar na pinagdausan ng live fire exercises ng ‘game changer assets’ ng army.

Dadgdag ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at JointTask Force Central Commander Major General Roy Galido, ang ATMOS ang pinakamalaking armas sa Army Arsenal ngayon.

Nabili ito ng pamahalaan sa bansang Israel bilang bahagi ng modernization program ng Armed Forces of The Philippines.

Tinatayang aabot sa 41 kilometers ang maximum effective range na kayang abutin ng pinakamalaking armas ng sundalo at may 200 meters ang killing radius nito.