Matagumpay ang isinagawang Joint Philippine-US-Japan Amphibious Landing Exercise kahapon, October 12,2019 bilang bahagi sa taunang joint military exercise na tinawag na “KAMANDAG 2019” na ginanap sa Marine Base Gregorio Lim,Ternate, Cavite.
Ayon kay Philippine Marine spokesperson Capt. Felix Serapio, ang landing ay siyang culmination sa amphibious combined interoperability training sa pagitan ng tatlong amphibious forces nang sa gayon mapalakas pa ang capabilities ng mga Marines sa kaparehong operasyon.
Ang bagong biling amphibious capability ng Philippine Marines ay malaking booster sa abilidad nila para tumugon sa counter-terrorism scenarios, humanitarian assistance at disaster relief operations.
Personal na tinunghayan ni Deputy Commandant ng Philippine Marines Corps BGen. Ariel Caculitan ang nasabing aktibidad kasama si MGen. Paul Rock USMC, Commanding General, 3ed Marine Expeditionary Brigade (U.S.) at MGen. Shinichi Aoki, Commanding General Amphibious Rapid Deployment Brigade (Japan).
Sinabi ni Serapio ang Kamandag 3 ay joint exercises sa pagitan ng AFP at US Forces at nakilahok naman ang Japan.
Binigyang-diin ni Serapio ang KAMANDAG 3 ay paraan din para mapalakas pa ang international partnership at handang rumesponde sa anumang krisis sa Indo-Pacific region.