Hindi pa rin nakatakas sa mga batikos, bagama’t umaani rin naman ng paghanga ang kontrobersyal na si Mocha Uson, dalawang linggo matapos lumabas ang isyung nabuntis daw ni Robin Padilla.
Ito’y kaugnay ng kanyang panibagong adbokasiya na isinunod niya mismo sa kanyang pangalan na MOCHA na ang unang dalawang letra ay para sa MOthers, habang ang huling tatlong letra ay para sa salitang CHAnge.
Layunin ng MOthers for CHAnge na tulungan ang mga babaeng naging single mother o mag-isa na lamang na nagtataguyod sa anak, na marahil ay nagkamali sa lipunan o napariwara ng landas.
Una nang inalmahan ng 38-year-old lead singer ng sexy group na Mocha Girls ang fake news, ngunit kumambyo ito sa pagsasabing single naman siya at hindi kasal kaya tila walang problema kung nagdadalang tao man siya.
Aminado rin si Uson na talagang pagkakamali kung ang nakabuntis sa kanya ay pamilyado at kasal pero giit na kahit ang Diyos ay magbibigay ng second chances kaya mali ang manghusga, bagay na nagdulot ng kalituhan sa publiko.
Una nang umalma ang TV host na si Mariel Rodridguez sa pagkadawit ng pangalan ng 51-year-old husband, sa pagsasabing nasa gitna pa ito ng pagluluksa sa pagpanaw ng kapatid kaya sana’y huwag sabayan ng walang basehang tsismis.
Sa panig ni Uson, nakakahiya aniya kay “idol Robin at Mariel.”
Si Mocha o Esther Margaux sa tunay na buhay ay dating assistant secretary sa Presidential Communications Operations Office, bago itinalaga bilang deputy administrator of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).