-- Advertisements --

Nakatakda nang umupo sa pwesto mamayang hapon si incoming AFP chief of staff Lt Gen. Carlito Galvez, upang palitan si outgoing AFP chief of staff Gen. Rey Leonardo Guerrero.

Dakong alas-2:00 mamayang hapon itinakda ang turn-over at retirement ceremony ni Guerrero.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang mangunguna sa turn-over of command.

Bago pa man ini-appoint si Galvez bilang susunod na chief of staff, siya ang commander ng WestMincom na nag-o-operate sa area ng Western Mindanao kabilang ang Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Isa rin si Galvez sa mga Marawi heroes na siyang nag-supervise sa operasyon ng militar laban sa teroristang Maute at matagumpay nilang nabawi ang Marawi mula sa mga teroristang ISIS.

Malaking accomplishments din ng militar ang pagpatay sa tinaguriang emir ng ISIS sa Asya na si ASG leader Isnilon Hapilon.
Si Galvez ay miyembro ng PMA Class 1985 at mistah ni Phil. Army chief Lt Gen. Rolando Joselito Bautista.

Samantala, si outgoing AFP chief of staff Gen. Rey Leonardo Guerrero ay miyembro naman ng PMA Class 1984.

Magreretiro na sa serbisyo si Guerrero matapos pinalawig ng Pangulo ang kaniyang serbisyo.

Sa panayam kay Guerrero, sinabi nito na mensahe niya sa incoming AFP chief ang pag-sustain sa kung ano na ang nakamit ng AFP.

” Sa ngayon ang kinakailangan lang isustain lang yung ano, what has been achieved in the past in terms of yung stability operations natin sa internal security and of course yung guarding ng ating territorial, maritime areas natin, we have plans in place, we have yung additional capabilities that would allow us to perform these missions so all that officer corps and the nco corps of the AFP has..to make sure that they implement yung ating targets, accomplish yung targets, implement the plan and accomplish the targets,” pahayag pa ni Guerrero.