-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag ni Taylor Swift sa streaming platforms.

Ito ay matapos ang kaniyang bagong album na “The Tortured Poets Department” ay mayroong ng one bilyon streams.

Ang nasabing bilang isang linggo lamang mula ng ilabas ang kaniyang album.

Inilabas ang album noong Abril 19 kung saan ito na ang pang-11 studio album ng Grammy award-winning singer.

May laman ito na 16 na bagong kanta kabilang ang lead single na “Fortnight” kasama ang singer na si Post Malone.