-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nasawi ang bagong amir ng Daulah Islamiyah terrorist group at apat nitong mga kasamahan sa engkwentro ng Joint Task Force Central sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang napatay na si Asim Karinda alyas Kumander Abu Azim at mga tauhan nya na sina Fahad Salipada alyas Naz, Hamsallah Ganoy Salangani, Salah Salipada at alyas Tatoks.

Ayon kay 6th Infantry Battalion Philippine Army commanding officer Lt. Col. Charlie Banaag na nakasagupa nila ang grupo ni Kumander Azim sa Barangay Dabenayan, Mamasapano, Maguindanao.

Patay sa engkwentro si Karinda at apat niyang mga tauhan habang walang nasugatan sa tropa ng 6th IB.

Si Kumander Azim ang pumalit kay Salahuddin Hassan ang amir ng DITG na napatay sa engkwentro ng militar sa Barangay Damablac Talayan Maguindanao noong October 29,2021.

Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander Maj. Gen. Juvymax Uy ang 6th IB at mga sibilyan na nagbigay sa kanila ng impormasyon sa kuta ng mga terorista.