Isinumite na ng International Criminal Court’s Registry sa Pre-Trial Chamber ang pangalan ng bagong associate counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Dov Jacobs ang magiging bagong associate counsel ng dating pangulo na kasalukuyang naka detene sa detention facility ng ICC sa The Hague, Netherlands.
Ayon sa ICC registry, ang lead counsel ni Duterte na si Nicholas Kaufman ang humiling na gawing “associate counsel” si Jacobs.
Si Duterte ay may kinakaharap na kasong crimes against humanity dahil sa umanoy madugong pagpapatupad ng war on drugs.
Una nang nangako si Kaufman ng matibay na depensa para sa kaso ng dating pangulo.
Kinumpirma rin ng abogado na sinabihan sila ni VP Sara na pabilisin ang proceeding sa kaso ng kanyang ama dahil nangangamba ito sa kalusugan nito.