-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa ukol sa mga pag-ulang mararanasan dahil sa namataang low pressure area (LPA) sa silangan ng Luzon.
Ayon kay weather specialist Ezra Bulquerin, posibleng maging bagong bagyo ang naturang namumuong sama ng panahon sa loob ng susunod na dalawang araw.
Kapag naging bagyo, bibigyan ito ng local name na “Ramon,” bilang ika-18 tropical cyclone para sa taong 2019.
Huli itong namataan sa layong 910 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Maliban dito, magkakaroon din ng ulan sa Northern at Central Luzon dahil sa hanging amihan, habang may isolated rainfall at thunderstorm naman sa iba pang bahagi ng ating bansa.