-- Advertisements --
Posibleng mabuo na bilang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng 12 oras.
Ayon kay Pagasa forecaster Ezra Bulquerin, tatawaging tropical depression Jenny ang nasabing sama ng panahon, bilang ika-10 bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang sentro nito sa layong 675 km sa silangan hilagang silangan Guiuan, Eastern Samar o 790 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Maaaring agad na magtaas ng tropical cyclone signals sa eastern section ng Luzon at Visayas sa oras na mabuo na ang naturang tropical cyclone.
Maaga ring nagbabala ang Pagasa sa mga dati nang naapektuhan ng baha dahil sa bagyong Ineng at habagat, dahil Northern Luzon uli ang inaasahang tatamaan ng bagyo.