Nagbabala ang Pagasa sa posibleng epekto ng bagong bagyong mabubuo sa susunod na dalawang araw.
Ayon sa weather bureau, ang kasalukuyang low pressure area (LPA) na nasa 760 km silangan ng Casiguran, Aurora ay inaasahang lalakas sa mga susunod na oras.
Kung ganap na magiging bagyo, tatawagin itong Tropical Depression Dodong.
Tinatayang palalakasin nito ang hanging habagat na magdadala ng ulan sa Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol region, Zamboanga Peninsula, Zambales, Bataan at Aurora.
“The LPA may develop into a Tropical Depression (TD) within 48 hours. In case the LPA develops into TD while inside the Philippine Area of Responsibility (PAR), it will be named “DODONG”. Meanwhile, the Southwest Monsoon (Habagat) will bring cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms over Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Zambales, Bataan, and Aurora,” saad ng abiso ng Pagasa.