-- Advertisements --

Binabantayan ngayon ng Pagasa ang isang bagong bagyo na maaaring pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong weekend.

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 1,400 kilometro sa silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.

Bibigyan naman ito ng local name na “Onyok” kapag nakapasok sa PAR, bilang ika-15 sama ng panahon para sa taong 2019.