-- Advertisements --
Aabutin pa ng hangang apat na buwan bago tuluyang aprubahan ng European Medicines Agency (EMA) sakaling mayroon ng bakunang naimbento para labanan ang Omicron variant ng COVID-19.
Sinabi ni EMA Executive Director Emer Cooke na dadaan pa sa dalawang linggo laboratory testing process para malaman na epektibo ito laban sa Omicron variant.
Kapag babaguhin ng mga drug companies ang kasalukuyang bakuna ay kailangang ibahin din ang formulations kabilang na ang bagong sequencing.
Tiniyak nito na ang mga kasalukuyang bakuna pa rin ay nagbibigay ng proteksyon sa COVID-19.