Ipinakita ngayon ng North Korea ang sinasabing isa sa pinakamalaking ballistic missiles sa buong mundo sa isinagawang military parade para sa ika-75 anibersaryo ng Workers’ Party.
Ang napakalaking missile ay sakay sa isang 11-axle truck sa climax ng halos dalawang oras na seremonya at military parade sa kabisera ng bansa na Pyongyang.
“The huge nuclear strategic forces on which hinge the authority and security of our great state and people entered the square … taking the whole square by excitement and enthusiasm,” saad ng Korean Central News Agency.
Ayon sa mga analysts, bagama’t hindi pa batid kung na-test na ang bagong missile, mas malaki raw ang dalang banta ng North Korea sa sinumang ituturing nitong kalaban bunsod ng mas malaking armas.
Bago masulyapan ang bagong ICBM sa parada, ipinagmalaki rin sa parada ang iba’t ibang mga armas na nasa arsenal ng North Korea, kabilang na ang bagong submarine-launched ballistic missile at bagong mga tangke at body armor.
Sa kanya namang talumpati sa okasyon, ipinagmalaki ni North Korean leader Kim Jong Un ang kanilang militar, na nandyan para pangalagaan ang kanilang mamamayan.
“We will continue to strengthen war deterrence as a means of self-defense,” wika ni Kim.
“Our war deterrence will never be abused or used preemptively, which will contribute to protecting the sovereignty and survival of the country and pursuing regional peace,” dagdag nito.
“However, if anyone hurts the national safety or threaten to use military force against us, I will preemptively mobilize all of our strongest offensive forces to punish them.”
Kapansin-pansin naman sa okasyon na walang suot na face mask ang mga dumalo, kabilang na si Kim, lalo pa’t humaharap ang buong mundo sa krisis sa coronavirus.
Nagpasalamat naman si Kim sa publiko at sa militar para sa kanilang tulong sa recovery efforts matapos ang nangyaring pagbaha kamakailan at sa paglaban ng bansa sa coronavirus.
“I thank them for their good health without any one of them having fallen victim to the malignant virus,” saad ni Kim.
“The fact that we have defended all our people from the harmful epidemic disease sweeping the whole world can be said to be a natural duty and success of our Party,” sabi nito. (CNN)