-- Advertisements --

Nakatakdang pumunta ngayong linggo ang bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Abdulraof Macacua sa Commission on Elections (COMELEC) upang magkaroon ng courtesy call kasama ang mga opisyal ng poll body.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia, isa sa mga nais mapag-usapan ang proposed re-apportionment ng pitong parliamentary seats mula sa Sulu kasunod ng ruling ng Korte Suprema para rito. Aniya, maganda na itong mapag-usapan nang mas maaga upang magkaroon pa ng mas mahabang paghahanda para halalan sa Bangsamoro.

Samantala, inanunsiyo rin ni COMELEC Chairman Garcia na na-aprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2.7B na budget na kakailangain sa Bangsamoro Parliamentary Elections sa Oktubre.

Dagdag pa ni Garcia, ang additional funding ay ilalaan din sa panukalang dagdag na Php 2,000 na honoraria ng mga guro na magsisilbi bilang Electoral Board Members pati na rin ang pagha-hire ng support staff.

Matatandaan na naisabatas na ang pagpapaliban sa BARMM Parliamentary Elections. Ito ay gaganapin na sa October 13.