-- Advertisements --

Binabalangkas ang mga US Democrats sa kongreso ng panukalang batas para sa mabilisang pagsampa ng kaso sa mga abusadong kapulisan.

Kasunod ito sa naganap na malawakang kilos protesta dahil sa pagkasawi ng black American George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

Hindi naman tiyak kung ang panukalang Justice in Policing Act of 2020 ay susuportahan ng mga Republican senator na siyang may kontrol ng senado.

Ang nasabing panukalang batas ay iminungkahi mismo ni House Speaker Nancy Pelosi, Senate Minority Leader Chuck Schumer, black senators na sina Kamala Harris at Cory Booker at mga miyembro ng Congressional Black Caucus.

Bago nito pinakilala ang batas ay isa-isang binasa ni Pelosi ang mga black American na nasawi sa kamay ng mga kapulisan sa US.