Maituturing na empty threat para takutin ang civilian missions sa pinag-aagawang karagatan ang bagong polisiya ng China na nagpapahintulot sa kanilang Coast Guard na ikulong ang trespassers sa inaangkin nitong teritoryo nang hindi dumadaan sa paglilitis.
Ito ang inihayag ni PCG spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela.
Aniya, itinaon ng China ang paglalabas ng naturang report sa bagong nilang batas matapos makalusot ang mga barko ng civilian convoy sa pagharang ng mga barko ng China at narating ang Bajo de Masinloc.
Nais lamang aniya ng China na i-discourage ang civil society hindi lamang sa Pilipinas kundi ang iba pang claimants sa disputed water.
Sinabi din ng PCG official na malaking sakit sa ulo para sa China ang civil society groups lalo na kapag ito ay mula sa mga bansa gaya ng Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei na mga claimants ng pinagtatalunang karagatan.
Inihayag din ni Comm. Tarriela na suportado ni Panulong Ferdinand Marcos Jr ang pagkuha ng mas maraming Coast Guard para mapalakas ang presensiya sa West PH Sea.