Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceremonial signing ng ilang mahalagang panukala na naipasa ng kongreso upang tuluyan nang maging batas.
Ayon sa Palasyo, nakatakdang lagdaan mamaya ni Pangulong Duterte ang Public Service Act na naglalayong alisin ang foreign equity restrictions sa mga public service companies.
Inaasasahan din na ipiprisinta dito ang Republic Act 11647 – Foreign Investments Act at ang Republic Act 11650 o ang Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act.
Kabilang na ang Republic Act 11648 o ang Increasing the Age for Determining Statutory Rape na mula sa dating 12-anyos ay itinaas na ngayon sa 16-anyos.
Gaganapin ang aktibidad na ito sa Rizal Hall ng Malacañang Palace.