-- Advertisements --
Screenshot 20201230 124336 Video Player

Itinuturing ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagsubok umanong kinahaharap ngayon ng bansa ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang nagiging daan para umusbong ang mga bagong lahi ng mga bayaning Pilipino.

Partikular na rito ang mga frontliners na nagtatrabaho para hindi na lumaganap pa ang covid dito sa bansa.

Ito ang naging mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-124 na taon ng kamatayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Nanawagan naman ang Pangulong Duterte sa mga Pinoy na patuloy na i-promote ang pagkakaisa at pagkamakabayan para magkaroon ng pagbabago sa lipunan.

“I join the entire nation in commemorating the 124th anniversary of the martyrdom of Dr. Jose Rizal. The trials we continue to face this year have given rise in new breed of heroes, who have shown extraordinary courage in the face of unprecedented challenges. As we remember Rizal’s sacrifice more than a century ago, let us continue working together, fostering solidarity, integrity and patriotism among our people as we pursue real and meaningful change in our society,” ani Duterte.

Sa isinagawang flag at wreath laying ceremony kania sa lungsod ng Maynila partikular sa Rizal park, pinangunahan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at Manila City Mayor Isko Moreno ang aktibidad.

Pinaalalahanan ni Lorenzana ang bawat Pinoy na mayroong potential para tumulong na bumuo na matatag na nasyon.

Ang adbokasiya raw ni Rizal para sa mga kabataan ay nagpapatuloy pa rin sa pamamagitan ng mga sundalo at mga frontliners nagsisilbi ngayon sa iba’t ibang dako ng bansa para ipagpatuloy ang pagkamakabayan at sense of self-sacrifice.

Kaugnay nito, sinagot din ni Lorenzana ang isyu ng pagpapaturok ng Presidential Security Group (PSG) ng covid vaccine dahil napaulat din na mayroong hinanaing ang ilang frontliners dahil mas naunang naturukan ang mga miyembro ng PSG.

Ayon kay Lorenzana, posibleng sa buwan ng Mayo ay dadating na ang mga inorder na bakunang para sa mga frontliners.