-- Advertisements --

March 31, 2024 sa Hong Kong. Pinangunahan ni MarlonDe Guzman, Charter President ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club at Charter Lady President Marites Cruz ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated ang pagbibigay ng Financial Service Assistance sa halagang $1620 Hong Kong Dollars o P11,646 kay Mrs Arceli Rodriguez residente ng Pamplona, Cagayan at kasalukuyang OFW sa HONG KONG.

Ang pagtulong ng mga miyembro ng Agila ay isa sa kanilang misyon sa sangkatauhan na kung tawagin ay Humanitarian Service to Strong Brotherhood.

Si Mrs Rodriguez ay inendorso ng kanyang kaibigan sa Bagong Bayani Eagles Club ng Hong Kong sa pamamagitan ni Eagle Joy Felipe dahil ito ay matalik niyang kaibigan at ipinatupad ang Alalay ng Agila sa isang kaibigan ng bawat membro ng Agila kung sakaling mangailangan ng tulong at kung ito ay karapat dapat na tulongan ay ina Aksiyonan.

Si Araceli ay dumaranas ng Cervical Cancer at umabot na ang komplikasyon sa kanyang baga at halos apat na taon ng nagki chemotherapy sa kanyang karamdaman sa isang Hospital dito sa Hong Kong at hindi na makapag trabaho ng maayos sa kanyang Employer dahil sa iniindang sakit. Ang kaunting tulong na naipa abot sa kanya ng mga Agila ay malaking tulong ito para sa kanya upang makabili ng tamang pagkain at gamot para sa kanya at maipa abot ang ilan sa kanyang Pamilya sa Pilipinas.

Dalangin naman ng kanyang mga kaibigan at nagmamahal sa kanya dito sa Hong Kong lalo na ang kanyang Pamilya sa Pilipinas ang kanyang maagang paggaling sa awa at tulong ng Dios.