-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang bagong version ng panalangin na Hail Mary para sa mga Pilipino na layuning maging tapat sa orihinal na Latin na konteksto ng panalangin.

Ang abgong version ay ipinakilala sa kamakailang plenary assembly ng CBCP bilang alternatibong dasal sa tradisyunal na Tagalog-based na ”Aba Ginoong Maria.”

Ayon kay Msgr. Bernardo Pantin, CBCP Secretary General, hindi papalitan ng bagong version ang lumang version kundi magsisilbi lamang daw itong pagsasalin sa mas akmang dasal mula sa Latin.

Binanggit din niya na ang bagong version ay “mas contextualized, simple, at naaangkop sa mga pagbabago ng panahon,” dagdag pa nito na makakatulong din ito sa pagpapalalim ng pag-unawa ng mga mananampalataya sa biblico-theological foundation.

Ang hakbang na ito ng CBCP ay kasabay ng pagdiriwang ng Jubilee Year ng simbahan sa 2025, kung saan magdiriwang din ng 50-taon ang pastoral letter ng CBCP tungkol kay Birheng Maria.

Sa baba makikita ang Tagalog version at ang alternatibong Filipino version ng Hail Mary prayer.

SOURCE: Screenshot from CBCP