Inaasahang unti-unting magiging bukas ang bagong bersyon ng panukalang Maharlika Investment Fund sa mga foreign investors kabilang ang private funders.
Ito ang inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na kabilang sa delegasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dumalo sa World Economic Forum (WEF) 2023 sa Davos, Switzerland.
Aniya, sa oras na ma-establish na ito ang foreign investors ay inaasahang magdadala ng mas maraming pondo sa Maharlika Investment Fund para mapondohan ang mahahalagang proyekto sa imprastruktura ng pamahalaan.
Ganito daw ang paraan kung paano lumago ang sovereign wealth fund ng bansang Indonesia na Indonesia Investment Authority (INA).
Saad pa ng Finance Secretary na nagsimula ang gobyerno ng Indonesia sa initial capital na $5 billion na lumago pa sa $25.5 billion mula ng malikha ito noong 2021 base sa latest reports.