Natawa na lamang ang Malacañang sa alegasyong pakana nila si Peter Joemel Advicula na nagpkilala bilang “Bikoy†at nagpakalat ng “Ang Tunay na Narcolist” video.
Nitong Huwebes ay muling lumantad si Bikoy at bumaliktad na kung saan mga taga-oposisyon na ang itinuturong nasa likod ng kanyang video.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hayaan na lamang na patunayan ni Bikoy ng ebidensya at sinumpaang salaysay ang kanyang bagong rebelasyon.
Ayon kay Sec. Panelo, nakakatawang dati ay pinupuri ng oposisyon ang black propaganda ni Bikoy pero ngayong sila na ang itinuturo, bigla na lamang sila nagre-react.
“My response to that is ha, ha, ha. That’s my response. Let Bikoy substantiate his proof,†ani Sec. Panelo.
Itinanggi rin ni Sec. Panelo ang pahayag ni Sen. Risa Hontiveros na mistulang binibigyan ng kredibilidad ng administrasyon si Bikoy dahil bigla siyang bumaligtad.
“Are you saying the administration.. very clear naman ang ating statement na we will wait for him to substantiate, siguro what is amusing is that if you recall the opposition then were actually praising this black propaganda, parang tuwang tuwa sila, now you see, tapos ngayong tinuturo sila bigla sila nagrereact.â€
Hindi naman masabi ng Malacañang kung dapat bang maging state witness si Bikoy dahil bahala na raw ang korte dito.
Sa usapin naman ng hiling na ni Bikoy na personal na makahingi ng tawad sa pamilya Duterte, inihayag ni Sec. Panelo na higit pa sa sapat ang ginawang public confession ni Advincula kaysa sa personal na paghingi ng tawad.