-- Advertisements --
Nakatakdang dumating sa bansa sa taong 2023 ang unang batch ng 32 na S-701 Black Hawk helicopters para sa Philippine Air Force (PAF).
Sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na ang inisyal na limang piraso ng helicopters ay darating sa 2023 habang ang iba sa pamamagitan ng tatlong batches na mayroong 10 units ay darating sa 2024, 10 units sa 2025 at pito naman sa 2026.
Umabot sa P32 bilion ang halaga ng nasabing mga bagong helicopters na gawa ng Polish-aerospace PZL Mielec konektado sa American company na Lockheed Martin.
Nauna ng naideliver ang 16 na S-70i Black Hawk helicopters sa bansa.
Mahalaga aniya ang nasabing mga helicopters sa mga rescue efforts tuwing panahon ng kalamidad.