Tila mas lumalalim ang samahan ng kapwa beteranong artista na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.
Ito’y bagama’t tanging ang 66-year-old actor pa lamang ang sinasabing nagkumpirma na magkasintahan sila ng 51-year-old actress.
Nabatid na isang linggo mula nang mabigyan ng kulay ang kanilang sweet photos sa New York, magkasama pa ring nagbabakasyon sina Edu at Cherry Pie.
Sa mga ibinahaging larawan ni Picache, sa Winter Haven sa Florida ang kanilang bagong destinasyon kung saan sila ay sumakay ng cruise habang nanonood ng sunset.
May kuha rin sila na magkadikit ang kanilang mga ulo habang nakasara ang mga mata.
Ngunit maliban sa kanilang “quality time,” nakipagkita rin ang dalawa sa ilang close friends ng aktres na kanya na raw maituturing na pamilya.
Si Edu ay dating ikinasal kina Vilma Santos at Maricel Soriano, habang huli nitong nakarelasyon ang non-showbiz girl na nagngangalang Iryne Garcia.
Si Cherry Pie naman ay hiwalay na noon pang 2006 sa kanyang partner na si Gary Tria ikung saan siya mayroong isang anak.