Hinamon ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang bagong talagang Director-General ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag na linisin ang ahensya at tiyakin na hindi ito maging kasangkapan ng katiwalian.
Sa gitna ng mga natuklasang kontrobersiya sa loob ng BuCor, iginiit ni Yap na marapat lamang na isang competent at corrupt-free leader ang italagang mamuno sa ahensya.
Panahon na aniya na ang mamuno sa BuCor ay may karanasan at kabisado na rin ang bawat sulok ng ahensyang ito.
Umaasa si Yap na mahanap ni Bantag ang pinagmumulan ng umaalingasaw na katiwalian sa loob ng BuCor at kaagad na maayos ito.
Samantala, tiwala ang kongresista sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si Bantag sa kabila ng mga kasong kinakaharap nito partikular na ang 10 counts ng murder sa pagsabog sa Paranaque City Jail noong 2016.
Inosente pa rin kasi aniya ito kung maituturing at kung makakatulong naman sa pamahalaan at tunay na magsisilbi sa bayan, marapat lamang din ayon kay Yao na bigyan ng pagkakataon si Bantag.