-- Advertisements --
image 635

Inihayag ng bagong itinalagang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gregorio Catapang Jr. na ire-reshuffle niya ang lahat ng tauhan sa mga kulungan at penal farm ng ahensya.

Aniya, magkakaroon ng command conference bukas ika-28 ng Marso upang ianunsyo ang reshuffling ng mga personnel sa loob ng Bureau of Corrections.

Inilabas ni Catapang ang pahayag kasunod ng kanyang panunumpa sa Department of Justice.

Gayunpaman, sinabi niyang ayaw niyang ibunyag ang kanyang mga plano dahil magdudulot ito ng pagkabalisa sa mga tauhan.

Opisyal na itinalaga si Catapang bilang hepe ng Bureau of Corrections noong Biyernes, kapalit ng dating pinuno ng kawanihan na si Gerald Bantag, na sinuspinde kasunod ng pagkamatay ng preso na umano’y naging middleman sa pagpatay sa mamamahayg na si Percy Lapid.

Top