-- Advertisements --
Casino rally protest Gensan

GENERAL SANTOS CITY – Sinalubong ng welgia ang bagong bukas na casino ng PAGCOR sa lungsod.

Nanguna sa kilos protesta ang grupo mula sa simbahan, kababataan, kababaihan at iba pa.

Sa pagbubukas kagabi ng casino nagsagawa ng candle lighting ang grupo para kontrahin ang pagpapatayo nito na nasa Lagao sa siyudad ng GenSan.

Ipinakita rin ng grupo ang mga placard na may nakasulat “no to casino, no gambling in GenSan,” “Protect your family from gambling” at marami pa.

Ayon kay Father Angel Buenavidez ng Diocese of Marbel, may malaking epekto ang pagpatayo ng nasabing casino sa kabuhayan ng bawat Filipino.

Dagdag pa niya, malaki rin umano ang impluwensiya ng pasugalan sa kumunidad lalo na sa mga kabataan.

Habang binigyang linaw ni City Councilor Edmar Yumang committee chairman ng committee on laws and ordinances na binigyan nila ng concurrence ang operasyon ng nasabing casino sa pamamagitan ng tatlong taon na operasyon.

Kung may kapalpakan umano ito, handa namang bawiin ng sanggunian ang nasabing kontrata.