-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Ngayon pa lamang asahan na ang pagpalabas ng closure order ng lokal na gobyerno sa mga establisyemento na may paglabag sa health protocol kahit pa patuloy na nararanasan na Coronavirus disease (COVID-19) infection.

Ito’y matapos ang pagkalat ng viral video sa wave pool party sa isang swimming resort sa Barangay Lagao sa General Santos City.

Nangyari ito sa soft opening kaya’t pinuntahan ng pulisya at kaagad pinahinto dahil sa walang pagsunod sa social distancing.

Unang sinabi ni Rodolf Fernandez, ang general manager sa Em Jake Aqua Wave Resort na mahigpit sinunod ang pinatupad na mga health protocol laban sa COVID-19.

Ang nakita umanong video ay ang pagsimula ng party habang sinusunod ang social distancing, subalit sa huling banda ay nagkatipon ang mga tao sa gitna ng pool matapos inanod dahil daw sa malakas na pressure ng mga alon.

Una nang sinabi ng Inter Agency Task Force (IATF) na kailangang seryosohin ng local government units (LGU) ang pagpatupad sa mga patakaran pati ang minimum health standard.

Unang pinahinto ng IATF ang zumba sa oval plaza nitong linggo dahil sinuway ang mga health protocol.