Suportado ng Grains Retailers Confederation of the Philippines ang pagtatakda ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ng bagong buying price ng palay.
Matatandaan na inanunsyo na ang bagong price range ng dry palay sa P23 mula P19. Habang ang wet palay naman ay P19 na mula sa dati nitong presyo na P16.
Ayon sa taga pagsalita ng Grains Retailers Confederation na si Orly Manuntag, magandang balita ito para sa mga magsasaka. Tataas ang kita at mas gaganahan magbenta ang mga ito.
Ang hakbang na ito ay maaari pa raw magpalaki sa produksyon ng palay dahil inaasahan na sa darating na anihan, mas dadami na ang supply ng palay na maaaring magpababa naman sa presyo ng bigas sa merkado.
Kaya naman ayon sa naturang grain retailers, panahon na para tanggalin ang price cap na nagpapahirap din naman sa mga rice retailers.