-- Advertisements --

VIGAN CITY – Magsisimula ngayong araw sa trabaho ang bagong talaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na commissioner ng Commission on Higher Education (CHED) na si Dr. Aldrin Darilag.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni CHED Chairperson Prospero De Vera na si Darilag umano ang kukumpleto sa puwersa ng ahensya upang makapagbigay sila ng magandang serbisyo sa publiko alinsunod sa kanilang mandato.

Aniya, malaking tulong umano si Darilag sa CHED lalo na sa mga diskusyon hinggil sa mga health concerns ng ahensya dahil may degree umano ito sa nursing at medical technology.

Idinagdag pa ni De Vera na sa pamamagitan ng bagong commissioner ay mailalatag na sa CHED ang iba’t ibang concern ng pribadong sektor dahil isa pa umano ito sa mga expetise ng bagong commissioner.