Walang maipangako ang bagong hepe ng Bureau of Internal Revenue kaugnay sa pagkolekta ng ‘estate tax liabilities’ sa pamilyang Marcos.
Inihayag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na pag-aaralan pa niya ang nasabing isyu at tiniyak nito na ang kanilang magiging aksiyon ay nakabatay sa batas.
Sa kabaligtaran, ang dating BIR commissioner na si Lilia Guillermo ay nangako na kokolektahin ang mga buwis sa ari-arian ng mga Marcos hangga’t mayroon siyang tamang numero.
Napag-alaman na ang appointment ni Guillermo ay inihayag bago manumpa si Marcos bilang pangulo.
Siya ay pinalitan ni Lumagui noong Nobyembre.
Magugunitang, kahit na tinawag mismo ng pangulo ang mga estate taxes na inutang ng kanyang pamilya sa gobyerno na “fake news,” pinatunayan ng Korte Suprema noong 1997 na hindi bababa sa P23,293,607,638 ang utang ng mga Marcos, ayon sa assessment ng BIR.