Nakatakda nang ilabas ng Department of Energy (DOE) ang isang circular na mag-iimplementa sa 1% na pagtaas sa biodiesel blend sa mga produktong petrolyo sa Pilipinas.
Ito ay bahagi ng mga mitigating measure na ginagawa ng bansa para matugunan ang mataas na presyuhan sa produktong petrolyo.
Ayon sa DOE, posibleng pagsapit ng unang araw ng Enero 2024 ay ilalabas na ang naturang circular.
Pero ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, magbibigay pa sila ng anim na buwan na transition period at inaasahang magiging epektibo ito pagsapit ng July 1, 2024.
Ang transition period na ito ay inaasahang magbibigay ng sapat na panahon sa mga oil companies na taasan ng isang porsyento ng biodiesel blend ang kanilang mga produkto mula sa 2% patungong tatlong prosyento.