-- Advertisements --
LAOAG CITY – Iniutos ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa lahat ng korte sa bansa na mahigpit na ipatupad ang bagong civil procedure.
Ginawa ito ni Peralta sa pagbisita niya sa Marcos Hall of Justice sa lungsod ng Laoag.
Aniya, dapat ang statement ng mga testigo, maging ang mga civil cases ay gagawin sa pamamagitang ng affidavit, lahat ng pleadings ay gawing simple, at sundin lahat ng bagong civil procedure.
Dagdag ni Peralta na mas marami pang mahalagang bagay na gagawin ang korte, lalong-lalo na ang mga criminal cases.
Iminungkahi pa ng chief justice na para matapos kaagad ang magagaang kaso ay tuloy-tuloy ang gagawing paglilitis.