-- Advertisements --

Nagsimula ng mag-operate ang bagong Contact Tracing and Operations Center ng lungsod ng Pasig.

Ang bawat residente ay dapat magdownload ng Pasig pass para makakuha ng QR Code kung saan ito ay agad na nakarehistro sa Pasig Health Monitor.

Layon ng Pasig Health Monitor ay para mapabilis at mapahusay umano ang pagbibigay ng medical services sa mga mamamayan ng nasabing lungsod.

Dahil dito ay mapapabilis ang koordinasyon sa mga may kinalaman sa COVID-19 response sa lungsod.

Lahat aniya ng mga residente ng lungsod ay pinaparehistro sa nasabing Health Monitor.