MANILA – Tumuntong na sa 1,255,337 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Batay sa pinakabagong case bulletin ng Department of Health (DOH), nadagdagan ng 7,450 bagong kaso ng sakit ang total case tally.
Ayon sa ahensya, bagamat operational ang lahat ng laboratoryo noong June 2, may limang pasilidad na hindi nakapag-sumite ng report.
“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.0% sa lahat ng samples na naitest at 2.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”
Nasa 60,794 pa ang mga active cases o hindi pa gumagaling mula sa COVID-19 infection.
Mula sa nasabing bilang, 93.9% ang mga mild cases, 2% ang asymptomatic, 1.15% ang moderate, 1.6% ang severe, at 1.3% critical cases.
Samantala, nadagdagan ng 2,382 ang total recoveries. Pumapalo na ngayon sa 1,174,006 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa coronavirus.
Habang 181 bagong naitalang namatay para sa 21,537 total deaths.
“12 duplicates were removed from the total case count. Of these, 9 are recoveries and 1 is a death.”
“Moreover, 119 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”